Walang
sinumang tao ang hindi nakikipagkomunikasyon sa kaniyang kapuwa sa anyong
pasalita man o pasulat. Mula rito, higit na binigyang-diin ni John Donne ang
kasabihang “No Man is an Island”. May hindi kaaya-ayang gawi ang maaari niyang
matamo kung patuloy niyang inilalayo ang kanyang sarili sa komunidad na
kinabibilangan niya kung kaya’t kinakailangan niyang makipag-ugnayan sa
kaniyang lipunan. Maraming mga paraan ang ginagawa ng isang tao maihatid lamang
ang kanyang mga pangangailangan, samu’t-saring emosyon at mahahalagang bagay sa
isa o maraming tao. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ng aking lola na ang paraan
ng panliligaw noon ay isinasagawa sa pamamagitan nang “paghaharana” na kung
saan matiyagang sinusuyo ng lalaking manliligaw ang kaniyang sinisinta na may
kasabay na pag-awit at pagtugtog ng gitara ngunit tila ba yata ang ganitong
kultura ay unti-unti nang nawawala sa kamalayan ng mga Pilipino dahil na rin sa
pagbabago ng panahon at pag-usbong ng mga teknolohiya.
Ngayong
nasa ika-21 siglo na ang panahon o kaligiran, ang pagpasok ng teknolohiya sa
ating lipunan ay parang isang ‘epidemya’ – mabilis kumalat. Isa na rito ang mga
cellphone gadgets at computer. Dahil sa mga ganitong teknolohiya, mabilis na
lumaganap ang tinatawag nating “text messaging o TM at mga wikang komnet (
kompyuter at internet ). Ang katangian ng wika sa sistema ng text-messaging, ay
nagiging palasak ang paggamit ng code-switching o paghihiram o ang pagsasama ng
dalawang wika at makakasipat din tayo ng pagpapaikli hanggang sa pagkakaltas ng
patinig mula sa orihinal nitong ispeling at pagdaragdag ng mga simbolo at
numero upang mapadali ang pagpapadala ng mga mensahe. Tulad na lamang ng
salitang “sumagot” ay magiging “smagot” tinanggal lamang ang patinig na “u”,
“text” magiging “txt”. Lantad ding ginagamit ang mga simbolo at numero sa text
messaging tulad na lamang ng salitang “to” ay magiging 2 at “for” ay representasyon
ng numerong 4. Isa ring representasyon ng text-messaging ang pagpapalit ng
ispeling at hindi lang ang pagkakaltas ng patinig. Halimbawa “good morning” ay
magiging “gd am” , “thanks” ay mas ginagamit sa TM ang “thnx” at “today” tungo
sa “2day”. Ito ang halimbawa ng TM,
Pls dnt
tell anyone wat hpnd lst nite. I hope its btween D2 f us, ok! anyway no rgrets
coz its u naman eh right?
Mapapansin
natin dito ang pagcocode-switching, ang pagkakaltas ng ibang letra tulad ng
salitang don’t, what, happened, last, night at iba pa, at representasyon ng
numero tulad na lamang ng dito ay naging D2. Marahil kung titignan natin ang
ganitong pag-iral ng text-messaging ay masasabi nating mahirap intindihin
gayong hindi ka naman “text messaging user”
Maraming
mga Pilipino partikular na ang mga estudyante ang bihasa sa paggamit ng
kompyuter. Inilalaan nila ang kanilang oras sa pag-iinternet makahanap lamang
ng mga impormasyon na kinakailangan nila sa paaralan man o sa kanilang buhay.
Mas napapadali na rin ang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao sa iba’t ibang
social media platforms na nahahati sa limang grupo – Social Networking,
Microblogging, Blooging, Pagbabahagi ng mga larawan at Pagbabahagi ng bidyo.
Ang mga aplikasyon na makikita sa social networking ay tulad ng Facebook, na
inilunsad ng grupo ni Mark Zukerberg noong 2004, Google+, na ginagamit naman
upang mahanap ang mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng search engine ng
google, LinkedIn, ginagamit sa paghahanap ng impormasyon ng isang kumpanya na
nais niyang pasukan. Ang tatlong ito ay nasa grupo ng Social Networking na
ginagamit sa impormal na pakikipagkomunikasyon sa mga pangkat ng tao. Mas
ginagamit ng nakararami ang aplikasyon na Facebook lalong lalo na ang mga
kabataan sa kasalukuyang panahon. Samu’t-saring diskurso ang matatagpuan dito
tulad na lamang ng mga isyung panlipunan, personal na kalagayan o status at ng
iba’t-ibang mga anunsiyo. Dahil ang Facebook ay umpukan ng iba’t-ibang usapin
at paksa, nagkakaroon dito ng hindi pagkakaunawaan at gayundin ang
nakikisimpatiya lang kung kaya’t nagkakaroon ng hindi magandang dulot ito dahil
mas iniisip natin ang sariling kapakanan. Tala tayo ng tala ng mga impormasyon
at mga bagay sa ating facebook account na sa tingin natin ay positbo pero sa ay
may negatibong epekto na dapat lamang na isaalang-alang ng isang facebook user.
Gayunman, ano ang estado ng Filipino sa KomNet?
Ang
Filipino ay ginagamit sa Internet. Ayon kay Crystal ( 2001:237 ), “Language is
at heart of the Internet” kahit birtuwal na komukikasyon ito, may wika pa ring
ginagagamit. Maraming gamit ang wikang Filipno sa Internet, chat site,
pagbabasa ng mga akdang pampanitikan na nasa Tagalg o Filipino, pagbasa ng mga
titik sa ilang awiting Tagalog, pagbabasa ng mga rebuy at kritikong papel at
balita. Upang makasali ka sa isang grupo o lipon ng mga tao nag-uusap sa
pamamagitan ng internet, kinakailangan mong pumunta sa chat site na nais mong
puntahan halimbawa, Chat site ng DLSU ( chat.dlsu.edu.ph 2401 ). Sa makabagong
panahon, ang mga pag-aaral ng mga panitikan ay limitado at bihira na lamang ang
mga sanggunian sa Filipino kung kaya’t may mga homepage na tinatawag at doon
naglalaman ng mga panitikan halimbawa, Sadiri’s Home of Iluko para sa mga
panitikang nasa wikang Iloko at marami pang iba. Nagagamit din ang wikang
Filipino sa pagbabasa ng mga kanta at ibang awitin sa Internet tulad ng “Ang
Pipit” at “Sit-si-rit-sit” na nasa
(
http://thunder.temple.edu/~ pangeles/folk.html ). Mababasa rin dito ang mga
resipe sa cookbook, ( http://home.virtual-pc.com/graviles/pages/recifrae.html
). Hindi mawawala sa sistema ng isang tao ang pagbabasa, pakikinig o panonood
ng mga balita. Kinakailangan na laging updated kumbaga sa lahat ng isyu
mapalokal na isyu o global. Nakakalungkot lang isipin na dahil sa ganitong
mabilis na pag-usbong ng teknolohiya ay lumiliit ang porsiyento ng mga tao ang
nagbabasa ng pahayagan o diyaryo. Marami kasi sa mga balita ay nakapaskil nasa
iba’t-ibang website tulad ng GMA News Online Portal
(
https://www.gmanetwork.com/news/ )
ABS-CBN
News ( https://news.abs-cbn.com/ )at iba pa
Panghuli,
nagagamit din ang wikang Filipino sa iba’t ibang ahensya o departamento ng
Pamahalaan ng Pilipinas halimbawa KWF- Komisyon sa Wikang Filipino ( kwf.gof.ph
). Sa medaling salita, ano ang papel ng wikang Filipino sa Internet? Una, upang
makasali sa mga progresibong diskurso at talakayan sa iba’t-ibang bahagi ng
mundo sa pamamagitan ng Internet. Ikalawa, para mabasa ang mga tekstong seryoso
na nasa Internet tulad ng mga rebuy, suring –pelikula at balita Ikatlo, para
malaman ang kaunlaran ng bansa at iba pang mga impormasyon at datos.
Bilang paglalagom, kaakibat sa buhay ng isang tao ang teknolohiya. Sa pamamagitan ng teknolohiya, naisasagawa ng isang tao ang kaniyang mga pangangailangan at minimithi sa buhay. Komunikasyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nag-iisa ang tao kinakailangan din niya makasunod sa agos ng buhay. Ang representasyon ng text messaging at komnet ay nagpapakita lamang na masyadong maparaan ang mga tao. Nakakalikha ito ng iba’t-ibang moda sa pakikipagkomunikasyon kauri o man o hindi. Sa ganitong mga pamamaraan, naihahatid ang ating mga pangangailangan at minimithi sa buhay nang mabilisan pero dapat din nating isaalang-alang ang sitwasyong pangwika sa ganitong paraan ng palitan ng komunikasyon.
Sa text messaging, kung natural na tao ang magbabasa maikikintal agad sa isip niya na “parang hindi wasto ang konstruksyon ng mga pangungusap at hindi angkop ang mga pagkakaltas at pagpili sa mga salita”. Sa unang pagsipat, hindi naman talaga kaaya-ayang basahin ang mga text messaging dahil nga sa ayos at salita nito ngunit kung mapapalalim natin ang pagsipat at pagdalumat sa text messaging ito’y maaaring tanggap sa larangan ng lingguwistik dahil nakikitaan ko ito ng pagiging dinamiko- nagbabago ang kalagayan ng wika dahil na rin sa kulturang kinabibilangan nito. May nababawasan, nadaragdagan at bukas sa paghihiram ng mga salita.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento